Sabado, Marso 19, 2016
mensahe para sa aking guro sa Filipino
Hi po ma'am, una po sa lahat gusto ko pong magpasalamat sa pagtitiyaga niyo po sa maingay na seksyon namin. Pasensya na po kung hindi po ako palataas ng kamay. Natatakot po kasi akong sumagot dahil baka mali yung sagot ko. Inaamin ko rin po na maingay ako sa klase niyo kaya pasensya na po ulit.
Hindi ko po malilimutan ang mga hugot at biro niyo po na isinisingit habang tayo ay nagdidiskusyon . At pati po ang reaksiyon niyo tuwing inaasar po namin kayo kay sir<3. Sumasaya po ang klase sa tuwing nagbibiro po kayo at sumeseryoso kung nagpapagalit po kayo.
Sana po hindi po kayo magbago, manatili lang po kayong masayahin. Kahit na hindi na po kayo ang magiging guro namin sa grade 10 ay alam ko pong matuturuan niyo pa rin po ako, hindi nga lang po sa silid-aralan. Ingat po kayo!
Mga natutunan sa filipino
Sa loob ng isang taon, marami akong natutunan sa asignaturang filipino. Kahit na minsan ay naguguluhan, parte naman yun ng pag-aaral diba? Kaya nga tayo nag-aaral upang matuto at maliwanagan sa mga bagay na hindi pa natin alam.
Marami rin akong karanasang masaya man o nakakahiya ay aalalahanin ko pa rin. Masaya sa tuwing tinatalakay ang mga akda ng ibat-ibang bansa. Dahil kasi rito ay nalalaman ko rin ang kanilang kultura. Nakakahiya naman dahil laging napapahiya ang aming grupo tuwing nagpapangkatang gawain.siguro nga ay naaawa nalang ang ibang grupo sa amin kaya tinataasan nalang nila ang pagbibigay ng marka sa amin.XD. Madalas kaming magmukang ewan pero keri lang , yun ang nagawa namin e. Ganon naman talaga ang buhay diba? Hindi laging pumapabor sa iyo ang sitwasyon.
Naging masaya rin ang talakayan sa mga tauhan ng Noli Me Tangere dahil puro hugot ata ang naging diskusyon. Buhay na buhay tuloy ang klase.

karanasan sa shooting(buhay ni sisa)
Nahirapan talaga kami sa pag shu-shooting. Dahil bukod sa may hinahabol na oras ay minsa'y inuuna pa ang paglalaro kaysa ang magseryoso. Iyon lagi ang nagiging problema ng aming grupo, kikilos lang kung kailan hagol na hagol na sa oras. Kaya nga lumipat ang isa naming ka-grupo e. Pero salamat pa rin dahil natapos namin ang proyektong iyon.
Kahit na hindi kasing ganda ng gawa ng ibang grupo ang gawa namin ay masaya pa rin kami dahil pinaghirapan namin ito.
Kahit na hindi kasing ganda ng gawa ng ibang grupo ang gawa namin ay masaya pa rin kami dahil pinaghirapan namin ito.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)