Lunes, Pebrero 29, 2016

Field Demonstration



#UMASA
#MASAYA PARIN:)

          Sa wakas, matapos ang pag-eensayo namin para paghandaan ang field demonstration ay maipapakita narin namin  sa lahat ang sayaw na aming hinanda. Binigay namin ang lahat, kahit na medyo hindi sabay-sabay ay masaya pa rin ako dahil alam kong ginawa namin ang lahat para manalo kami. #UMAASA kasi akala namin ay kahit na  3rd place lang ay maabot namin, ngunit sa huli kami ay 4th placer o ang panghuli dahil apat lang naman ang grupong naglaban-laban. Saklap diba?

           Pero #MASAYA PARIN:) kasi kahit na 4th placer lang kami ay nag celebrate pa rin kami ng aking mga kaklase. Sa huli ay nakamove-on kami kahit konti sa aming pagkatalo at naalala nalang ang mga kalokohan at mga masasayang bagay na aming ginawa.

mga pangyayaring seryoso noon, ngunit tinatawanan ko na lang ngayon



           Marami akong kalokohang ginawa noong bata pa ako.  Tulad ng magtulug-tulugan tuwing pinapatulog ako sa tanghali (Kaya siguro hindi ako tumangkad). Ngunit ano nga bang gawain ko noon ang tinatawanan ko o nagpapangiti nalang sa akin ngayon?

           Noong bata pa ako mayroon akong kaibigan. At kaming dalawa ng aking kaibigan ay mayroong kaaway. Siguro noong bata pa ako ay hindi ko talaga alam ang totoong kahulugan ng salitang  kaaway dahil kahit kaaway namin sila ay dinadaan namin ang aming away sa pag-eespadahan gamit ang laruang espada. Lumalabas tuloy na ang mga kaaway naming iyon aang nagsisilbi naring aming mga kalaro.

            Marami pa akong mga karanasan noong bata pa lamang ako hindi ko man ito maibahagi  lahat ito sa inyo ay sisiguraduhin ko namang aalagaan ko ang mga mahahalagang ala-alang ito.

Huwebes, Pebrero 18, 2016

Araw ng mga Puso

            Pebrero 14? Isang simpleng araw lang ito sa akin. Hindi ako gumala kasama ang aking mga kaibigan. Di tulad ng iba kong mga kaklase, sa bahay lang ako gumagawa ng miniture house  na proyekto namin sa sa asignaturang T.L.E. ala masyadong nangyari noong araw na iyon. Ngunit masaya pa rin ako dahil alam kong nag-enjoy naman ang mga kaklase ko at isa pa ay araw ng pagpapahinga.