Sabado, Marso 19, 2016

mensahe para sa aking guro sa Filipino



             Hi po ma'am, una po sa lahat gusto ko pong magpasalamat sa pagtitiyaga niyo po sa maingay na seksyon namin. Pasensya na po kung hindi po ako palataas ng kamay. Natatakot po kasi akong sumagot dahil baka mali yung sagot ko. Inaamin ko rin po na maingay ako sa klase niyo kaya pasensya na po ulit. 

             Hindi ko po malilimutan ang mga hugot at biro niyo po na isinisingit habang tayo ay nagdidiskusyon . At pati po ang reaksiyon niyo tuwing inaasar po namin kayo kay sir<3. Sumasaya po ang klase sa tuwing nagbibiro po kayo at sumeseryoso kung nagpapagalit po kayo. 

              Sana po hindi po kayo magbago, manatili lang po kayong masayahin. Kahit na hindi na po kayo ang magiging guro namin sa grade 10 ay alam ko pong matuturuan niyo pa rin po ako, hindi nga lang po  sa silid-aralan. Ingat po kayo!

         

Mga natutunan sa filipino

           Sa loob ng isang taon, marami akong natutunan sa asignaturang filipino. Kahit na minsan ay naguguluhan, parte naman yun ng pag-aaral diba? Kaya nga tayo nag-aaral upang matuto at maliwanagan sa mga bagay na hindi pa natin alam.

           Marami rin akong karanasang masaya man o nakakahiya ay aalalahanin ko pa rin. Masaya sa tuwing tinatalakay ang mga akda ng ibat-ibang bansa. Dahil kasi rito ay nalalaman ko rin ang kanilang kultura. Nakakahiya naman dahil laging napapahiya ang aming grupo tuwing nagpapangkatang gawain.siguro nga ay naaawa nalang ang ibang grupo sa amin kaya tinataasan nalang nila ang pagbibigay ng marka sa amin.XD. Madalas kaming magmukang ewan pero keri lang , yun ang nagawa namin e. Ganon naman talaga ang buhay diba? Hindi laging pumapabor sa iyo ang sitwasyon.

           Naging masaya rin ang talakayan sa mga tauhan ng Noli Me Tangere dahil puro hugot ata ang naging diskusyon.  Buhay na buhay tuloy ang klase.
        

karanasan sa shooting(buhay ni sisa)

         Nahirapan talaga kami sa pag shu-shooting. Dahil bukod sa may hinahabol na oras ay minsa'y inuuna pa ang paglalaro kaysa ang magseryoso. Iyon lagi ang nagiging problema ng aming grupo, kikilos lang kung kailan hagol na hagol na sa oras. Kaya nga lumipat ang isa naming ka-grupo e. Pero salamat pa rin dahil natapos namin ang proyektong iyon.

        Kahit na hindi kasing ganda ng gawa ng ibang grupo ang gawa namin ay masaya pa rin kami dahil pinaghirapan namin ito.

Lunes, Pebrero 29, 2016

Field Demonstration



#UMASA
#MASAYA PARIN:)

          Sa wakas, matapos ang pag-eensayo namin para paghandaan ang field demonstration ay maipapakita narin namin  sa lahat ang sayaw na aming hinanda. Binigay namin ang lahat, kahit na medyo hindi sabay-sabay ay masaya pa rin ako dahil alam kong ginawa namin ang lahat para manalo kami. #UMAASA kasi akala namin ay kahit na  3rd place lang ay maabot namin, ngunit sa huli kami ay 4th placer o ang panghuli dahil apat lang naman ang grupong naglaban-laban. Saklap diba?

           Pero #MASAYA PARIN:) kasi kahit na 4th placer lang kami ay nag celebrate pa rin kami ng aking mga kaklase. Sa huli ay nakamove-on kami kahit konti sa aming pagkatalo at naalala nalang ang mga kalokohan at mga masasayang bagay na aming ginawa.

mga pangyayaring seryoso noon, ngunit tinatawanan ko na lang ngayon



           Marami akong kalokohang ginawa noong bata pa ako.  Tulad ng magtulug-tulugan tuwing pinapatulog ako sa tanghali (Kaya siguro hindi ako tumangkad). Ngunit ano nga bang gawain ko noon ang tinatawanan ko o nagpapangiti nalang sa akin ngayon?

           Noong bata pa ako mayroon akong kaibigan. At kaming dalawa ng aking kaibigan ay mayroong kaaway. Siguro noong bata pa ako ay hindi ko talaga alam ang totoong kahulugan ng salitang  kaaway dahil kahit kaaway namin sila ay dinadaan namin ang aming away sa pag-eespadahan gamit ang laruang espada. Lumalabas tuloy na ang mga kaaway naming iyon aang nagsisilbi naring aming mga kalaro.

            Marami pa akong mga karanasan noong bata pa lamang ako hindi ko man ito maibahagi  lahat ito sa inyo ay sisiguraduhin ko namang aalagaan ko ang mga mahahalagang ala-alang ito.

Huwebes, Pebrero 18, 2016

Araw ng mga Puso

            Pebrero 14? Isang simpleng araw lang ito sa akin. Hindi ako gumala kasama ang aking mga kaibigan. Di tulad ng iba kong mga kaklase, sa bahay lang ako gumagawa ng miniture house  na proyekto namin sa sa asignaturang T.L.E. ala masyadong nangyari noong araw na iyon. Ngunit masaya pa rin ako dahil alam kong nag-enjoy naman ang mga kaklase ko at isa pa ay araw ng pagpapahinga.

Huwebes, Enero 7, 2016

The Adventures of Stripe and Yellow



                 Dapat noong nakaraang Disyembre pa lamang ay ipinalabas na ang "The Adventures of Stripe and Yellow" ngunit dahil sa bagyong dumating ay naurong ito ngayong Enero. maaga kaming nagkita-kita ng aking mga kaklase upang mauna sa pila ngunit pagkdating namin doon ay marami ng nakapila. halatang nasasabik din silang mapanood ito.

                 Nang mapanood ko ang palabas, masasabi kong maganda ang pagkakagawa dito. magagaling ang mga aktor at aktres na nagsipag-ganap at kung magaling sila ay tiyak na magaling din ang iba pang tumulong upang maging matagumpay ang programa. Siyempre proud na proud kami sa aming mga kaklase.

                  Mayroon akong natutunan sa kwentong ito: na ang lahat ng tao ay may kanya-kanya silbi sa mundo, kailangan mong alamin kung ano ito at tiyak na masasabi mo na buo na ang iyong pagkatao.

Sabado, Enero 2, 2016

new year's eve

                        bago mag alas-dose ay nasa loob lang ako ng bahay, nanoonod ng countdown. nang ilang segundo nalang ay lummabas na ako kasama ang aking pamilya at nanood ng fireworks.

                        nang mag alas-dose na ay nagsigawan na kami at nag ingay. nagsindi rin kami ng lusis at pagkatapos nun ay ang fountain

New Year's Resolution

http://thewritelife.com/new-years-resolutions-for-writers/

            Hayyy!!! Matatapos na ang taong 2015. Ano kaya ang new year's resolution ng mga kaklase ko?? ito ang akin:

                   Una, babawasan ko na ang pagiging masungit ko, lalo na sa kapataid ko. para naman hindi na kami laging nag-aaway.
                    Pangalawa, babawasan ko na rin ang pagiging tamad ko para hindi mapagalitan ni mama.
                    Pangatlo, hindi na ko masyadong magkukulit sa mga kaibigan ko para hindi sila makulitan sa akin.

                     Yun lang. SANA magawa ko lahat ng iyon!!

Christmas Eve!!!

             



         
https://www.google.com.ph/search?q=maligayangpsko+image&oq=m&aqs=chrome.4.69i57j69i60l3j69i59l2.3087j0j7&sourceid=chrome&es_sm=122&ie=UTF-8
             Ipinagdiwang ko ang noche buena kasama ang aking pamilya. Sayang nga lang at kulang kami. Masaya. Ngunit 'di ganon kasaya tulad ng dati dahil nga kulang kami. Pagkatapos ng exchange gifts ay nagkanya-kanya na ang lahat  kaya ganoon siguro ang naramdaman ko. Dati ay naglalaro pa kami at nagkakantahan.Pero kahit ganon pa man nagpapasalamat pa rin ako dahil kahit sandali ay nagkasiyahan kaming pamilya.

Wishlist

             


           
https://www.google.com.ph/search?q=wishlist+image&espv=2&biw=1360&bih=623&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjvxvSZmIvKAhWDGqYKHQFODwEQ_AUIBigB
               Dalawang wishlist na ang nasasagutan ko: ang isa ay para sa christmas sa paaralan at ang pangalawa naman ay para sa christmas party namin sa bahay. damit, bag, pantalon, pabango at jacket. ilan yan sa mga bagay na nasa wishlist ko. puro materyal. kung ako ang tatanungin, ang iba ko pang hiling bukod sa mga materyal na iyan ay:

1.masaya at malusog na pamilya- dahil wala ng mas sasaya pa kung kasama mo at buo kayo ng iyong pamilya.

2.hiling ko rin na sana'y maging masaya ang aking mga kaibigan- dahil isa sila sa mga taong nagpapasiya sa akin. kahit na minsan ay nagkakatampuhan kami , sana'y hindi nila makalimutan na mahalaga ang pagkakaibigan at sana'y huwag silang magsawa kahit na minsan ay makulit ako.

3. kaligtasan at kalakasan para sa mga kamag-anak ko na malayo sa amin at nagtatrabaho- upang makayanan nila ang pagkawalay sa mga mahal nila sa buhay at pag-igihan ang kanilang trabaho.

4. at ang pinakahuli sa lahat ay...... SANA TUMANGKAD NA KO.:)