Sabado, Nobyembre 21, 2015
pagpapahalaga sa mga mahal sa buhay
Walang perpektong tao, walang perpektong anak at higit sa lahat ay walang perpektong mga magulang. Marahil minsan ay hindi nila naibibigay lahat ng gusto natin, pero sapat na ba ito para sabihin nating hindi nila tayo mahal?
Simula ng ako ay ipanganak, nandyan na ang aking mga magulang upang alagaan ako at siguraduhing lumaki ako ng maayos. Nagtatrabaho para makabili ng aking gatas upang masiguro na hindi ako magugutom. Kung wala sila ay wala rin ako ngayon sa mundo. Siguro nga minsan ay pinapagalitan nila ako, nagagalit din ako sa kanila at nakakapagsabi ng mga masasakit na salita. Ngunit sa huli ay napapagtanto ko rin na ginawa lang nila iyon para rin sa kapakanan ko.
Naalala ko noong bata pa ako, sobrang nagalit sa akin ang mama ko at pinalo niya ako, umiyak ako at nagtulug-tulugan para hindi na ako paluin. Pero nung akalain niyang tulog na ako ay nyakap niya ako at nag-sorry siya. si papa naman ay tahimik lang pero mararamdaman mo pa rin ang pagmamahal niya sa amin, paminsan minsan ay naglalambing siya.
Kaya bilang ganti sa kabutihang ginagawa nila para sa akin ay nag-aaral akong mabuti. Pinapatunayan kong karapat-dapat ako sa pagmamahal na ibinibigay nila para sa akin at sa pagod nila sa trabaho upang mapag-aral kami ng kapatid ko.
Hindi batayan ng pagmamahal ng isang magulang sa kanyang anak ang mga materyal na bagay na kaya nitong ibigay kundi ang pagmamahal na kaya nilang ipakita at ipadama sa anumang paraan na alam nila. kaya maraming salamat po aking mga magulang. mahal ko po kayo.
Linggo, Nobyembre 15, 2015
bilang isang mag-aaral, ano nga ba ang nais kong tahakin bilang tao?
Ako, bilang isang mag-aaral at bilang isag tao, nais kong maging matagumpay , nais kong maipagmalaki ako ng aking mga magulang, nais kong mahalin at tanggapin ako ng iba sa kung ano man ang mga katangian na nasa sa akin o wala at nais kong mapatunayan na MAYROON AKONG PANINIWALA SA ATING DIYOS.
Oo , aaminin kong hindi ako linggo-linggo kung magsimba. Ngunit hindi ibig sabihin 'non ay hindi ako naniniwala sa Kanya. Hindi man ako pala-simba ay marunong akong magdasal, nagpapasalamat ako sa mga biyayang ipinagkakaloob Niya sa atin at humingi ng tawad sa mga kasalanang aking nagagawa.
Bilang isang mag-aaral at isang tao , gusto kong maging isang mabuting tao, alam ko lahat tayo ay gusto ito. Upang mangyari iyon ay dapat lamang na maniwala tayo sa Kanya at gumawa tayo ayon sa kanyang mga utos, iba-iba man ang ating paraan pagpapakita ng ating paniniwala.
Sabado at Linggo
(SABADO)
Wala naman ako masyadong ginawa ngayong sabado. Nanatili lang ako sa loob ng bahay (lagi naman) at hinintay ang It's Showtime. Inaabangan ko kasi doon ang Bailona (Bailey at Ylona). Natutuwa kasi ako sa dalawang iyon kapag napapanuod ko sila , lalo na at english pa ang lengwahe nila. Nakaka-challenge. Haha .
(LINGGO)
Ginawa ko na ang mga takdang-aralin ko dahil pagdating ng hapon ay pupunta ako sa bahay ng kaklase ko , dahil kaarawan niya noong Biyernes. Masaya naman kahit dadalawa lang ang bisita niyang kaklase dahil kinakausap naman kami ng mga pinsan at ate niya.
Miyerkules, Nobyembre 11, 2015
Realisasyon Patungkol sa Parabula ng Banga
Ang parabula ng banga ay tungkol sa isang bangang yari sa lupa na paulit-ulit na pinapaalalahan ng kanyang ina na huwag sumama sa hindi nila kauri, na hindi nya sinunod kung kaya't siya'y napahamak.
Aking napagtanto na dapat talaga tayong sumunod sa mga utos at bilin ng ating mga magulang sapagkat ang nais lang naman nila ay ang ikabubuti natin. Isipin muna natin ang mga idudulot ng mga kilos na ating gagawin upang sa huli ay hindi natin ito pagsisihan.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)