Si Pagong at Si Kuneho
Ang paborito kong maikling kwento ay ang "Si Pagong at Si Kuneho". Tungkol ito sa paligsahan ng kuneho at pagong, pabilisan silang makarating sa finish line. Dahil inisip ng kuneho na mabagal at walang laban sa kanya si pagong, nakampante siya at namahinga muna. Laking gulat niya ng makita niya na nasa finish line na ito. Nagsisi si kuneho sa dahil sa ginawa niyang pagmamaliit sa kakayahan ni pagong.
Ang aral ng maikling kwento na ito ay wag kang maging mayabang at mapanghusga dahil minsan ay nadadaig pa ng masipag at matiyaga ang malakas.
Lunes, Agosto 24, 2015
Linggo, Agosto 16, 2015
Ang Aking Paboritong Kanta
Masarap makinig ng musika. Lalo na kung tayo'y nagpapahinga. Alam kong bawat isa sa atin ay may paboritong kanta at ito ang sa akin:
Una ko itong marinig nang mapanuod ko ang isang palabas, ito ang Flashlight. Bukod sa maganda itong pakinggan ay may maganda rin itong mensahe. Sinasabi ng kantang ito na kapag tayo ay nasa panganib, manalig lang tayo dahil mayroong handang tumulong sa atin. Kahit na sa palagay natin ay wala na tayong magagawa pa ay darating siya upang magbigay ng pag-asa. Sinasabi rin nito na hindi na tayo dapat matakot pa dahil mayroong darating na magsisilbing ilaw natin na gagabay at magtuturo sa atin ng daan tungo sa mas magandang buhay.
Iba iba man ang gusto nating kanta ay pare-parehas naman natin itong pinagkukunan ng inspirasyon at lakas upang harapin ang bawat pagsubok ng buhay.

Lunes, Agosto 3, 2015
Hinahanap kong katangian ng tunay na kaibigan.
Kaibigan? Lahat tayo ay mayroon niyan . Ngunit ano nga bang mga katangian ang hinahanap ko sa isang kaibigan?
Ang gusto kong katangian ng aking kaibigan ay matapat, maaasahan, maagkakatiwalaan at hindi nang-iiwan. Matapat, hindi niya ako sinisiraan sa iba. nakaharap man ako o nakatalikod ay kaibigan parin ang turing niya sa akin. Maaasahan, tutulungan niya ako sa tuwing nangangailangan ako ng tulong at gagawa siya ng paraan upang mapasaya ako sa tuwing ako ay nalulungkot. Mapagkakatiwalaan, hindi niya sasabihin sa iba ang aking mga sikreto at sisikapin niyang tuparin ang kaniyang mga pangako. At hindi nang-iiwan, kahit na may kaibigan na siyang iba ay hindi niya parin kakalimutan ang aming mga pinagsamahan.
Maswerte tayo dahil mayroon tayong mga kaibigan. Iba-iba man ang kanilang mga katangian, masasabi mo parin na may mga taong sasama, susuporta, at magbibigay sayo ng pagmamahal na tanging tunay kaibigan lamang ang maaaring makapagbigay.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)